One Sided Love... What can you expect?? A happy ending?? Like in koreanovela.... telenovela..... movies..... TV series..... Or an EMO kind of ending.....
Baka nasobrahan na tayo sa kakapanood ng mga ganitong palabas kaya di na natin alam ang totoong pwedeng mangyari. Hindi lahat ng storya nagtatapos sa masaya malimit puro kalungkutan kaya siguro ang daming mga ganito ngayon sa mundo.....
Masakit mang aminin pero bakit yung iba napaka swerte... kasi kahit di nila mahal yung tao ay nakukuha nila at ang lakas pa ng loob na lokohin ang tao na sa iyo ay napaka halaga. Wala ka namang magawa kasi mas pinili ng mahal mo ang taong yun na alam mo naman na kaya mo ibigay ang deserving na para sa kanya at di mo magawa siya ay lokohin. Bakit kaya ganon? Kung ako tatanungin mo, di ko rin alam ang kasagutan.....
Ang alam ko lang, minsan talaga unfair ang buhay. Siguro nga di pa panahon para maging kayo pero bakit need pa daanan ng isang tao ang sobrang sakit para lang makapunta sa taong magbibigay sa kanya ng saya na yun pala ay nasa tabi lang nya. Pinili pa ang long cut... ayaw mag U-turn, para bang pinagbawalan ng tadhana. Hehehehe. Pero ano ba talaga ang napagdadaanan ng mga taong naiwan sa kawalan pagkatapos siya ay maiwan ng kanyang minamahal.... hmmm malalim ba? pero lahat tayo naranasan na to. Sa iba madali lang ang makawala sa mundong yun pero mayroon din namang di makalabas sa mundong yun hanggang ngayon ay naghahanap pa ng daan o kaya ng taong tutulong sa kanila para makalabas lang sa mundong puno ng kulay ng wala.
Anong mararamdaman ng isang tao kapag sinabihan siya na wag nya na lang ituloy dahil maghihintay lang siya sa wala? Pero ang taong yun ay willing pa rin maghintay para sa babaeng yun. Pero para bang pinagtatabuyan na at tipong sigurado na ang babae na wala na talagang pwedeng mangyari.... dahil ba ito sa may iba na siyang mahal o sadya lang bang ayaw niya lang sa iyo... awww ang sakit noh. Masakit yang tanggapin pero dapat daw kayanin... pero may mga taong di pa handa sa mga ganyang pangyayari at ito ay nadadaan sa ibang paraan na di maganda tulad ng pagpapatiwakal. Bad yun!!!
Sa akin lang... just love them eventhough they won't love you back. At least you know na hindi mo sila kayang lokohin tulad ng iba, na kaya mong ibigay ang deserving sa kanya. It's up to her to realize your worth. "Pwede naman kitang mahalin kahit magkaibigan lang tayo... kahit na di mo suklian." - Said and Done.......
PAIN.... is when you can't breathe even if your chest still rises and falls. SADNESS.... is when you look out the window and think the rain is your tears. LONELINESS.... is when you still feel a hand touching yours even if there's none. DESPERATION... is when you wait for a message that will never come. LOVE... is when you experience all those things and still open your heart to that someone.
Thursday, April 03, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
i can feel your pain...i am currently in the same situation...unrequited love suckz...
Post a Comment