It's wednesday... Yung kaibigan ko dito sa opisina na si Eduard ay nagpasama sa Hard Rock Cafe sa may glorrieta para palitan yung nabili niyang damit last week dahil malaki daw para sa uncle niya. Alam mo naman pag weekdays, ang mga mall nagsasara agad, eh may balak din akong bilhin nun kaya sakto nagsabay na lang kami. After a long day of work uwian na rin sa wakas, tuloy na ang plano... woofff bigla na lang kami nag eskapo hehehe... mahirap na baka mapagsarhan pa.
Balak sana namin sumakay ng jeep para mabilis makapunta sa destinasyon namin, akalain mo "trapik". ampness parang nakakagulat lalo na sa makati hehehe.... So we decided na maglakad papunta sa mall which is malapit lang din naman. Habang nasa daan nakita namin yung statue ni Sultan Kudarat. Sa araw araw na pagdaan ko don at ilang taon ko na rin naglalagi don ay napaisip namin kumuha ng litrato kasama ang statue... hehehe naglibang kami parang walang hinahabol na oras.... nang di sinasadyang nakita kami ng isa sa mga mataas sa opisina.... tawa na lang siya ng tawa sa amin. (ampness nakita pa kami hehehe)
Nung nasa mall na kami, wow ang daming pa-next girls. Sobrang dami that night parang sabado lang hehehe... di maiwasan na mag ninja kami hehehehehe.. Matapos naming mapalitan ang damit at makapunta sa balak ko... ay nagisip kami ng kakainan. Diretso sa jollibee hehehe..... nang may mapasin kami na isang isda.. as in fish.... kaso malaking fish.... isang whale. Kala ko wow mali lang ni joey de leon kaya di ko pinupulot yung fish.... nung kinuha ng kasama ko wala naman palang tali ung fish para hilain ng nasa kabilang dulo o kaya biglang susulpot na lang ang mga tao at magsasabing huli kayo hehehe... kala ko ganon mangyayari... kala ko makikita ko na self ko sa TV hehehe.
Nung nasa bus na ako... di maalis sa isip ko yung fish... bumigat ang dala kong bag dahil sa isdang ito hehehe talagang whale... hehehe. Plano namin lalagyan ng tattoo yung whale para bang si jaoquin bordado. malay mo may powers din ito hehehe....
Friday, April 18, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the OLED, I hope you enjoy. The address is http://oled-brasil.blogspot.com. A hug.
Nice to meet you!!!
[URL=http://superjonn.50webs.com/fishtail-restaurant-week-menu.html]fishtail restaurant week menu[/URL]
Post a Comment