Tuesday, February 28, 2006
Story of Us
parang kahapon lang tayo nagkakilala, sa bilis ng panahon di ko na napansin. unang kita natin non, mahiyain ako non kasi first time ko lang nakita ang mga tao don. wala ako masyadong kakilala, para akong nasa gitna nang dagat na walang kasama. pero eto ka, dumating ka sa akin, sa buhay ko na parang sirena at niligtas mo ako sa gitna ng dagat. nung nakilala kita nung time na un naging komportable na ako, nailabas ko na ung tunay kong ugali and personality. di ko akalain na yun na ang simula nang aming magandang samahan. samahang di ko akalaing magiging pagibig, dahil sa kulitan namin sa isa't isa at laging paguusap. umibig ako sa kanya, nung una ako lang ang umiibig sa kanya paglipas ng panahon ay natutunan din nya akong ibigin. masaya ang aming pagsasama, sobrang saya..... tila ba na walang problema na maaring dumating subalit ang saya ay pede ding mawala. sa di mapaliwanag na sitwasyon ay para bagyong dumating sa akin. ang aming saya ay naging tampuhan, at ang dahilan ng tampuhang ito ay ang pagseselos. selos sa aking mga kaibigang babae, nagtataka sya dahil hindi daw patas ang tingin ko sa kanila. mas nagiging palagay ang loob ko sa iba, mas nagiging sweet daw ako don sa iba kesa sa kanya na girlfriend ko. di ko alam kung bakit ganon ang naging pakiramdam nya. sa totoo lng lahat naman ng friend kong babae ay malambing ako, syempre mas lamang don ung girlfriend ko. i explain it to her and take god, she accepted my reasons and i ask for her forgiveness. ayaw ko na maging bad ung relationship namin, dapat kasi open and trust to each other. pero di talga maiiwasan ang pagseselos because they said that if you are jealous it means you love that person.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment