nakakatuwa at nakakainis tong araw na nagdaan. biruin mo pumasok ako sa school dahil may test kami tapos wala palang pasok. whaaaaaaa..... hay buhay nga naman, dapat kasi makinig sa mga announcement at wag aabsent para in case ng tulad ng ganito, di mag atubili na wag pumasok hahahahahaha.....
kausap ko hanggang ngyon ung mahal ko. saya ng usapan sana ganito na lang palagi. pero di maiiwasan na hindi sya makausap kasi dami nya gawa and daming gusto kumausap sa mahal ko. mahirap magmahal ng kasing ganda nya. di dahil sa maganda sya kaya ako nainlove, dahil sa kanyang ugali. ang mahal ko kasi sweet, mabait and masayahin. kung baga wala ka nang hahanapin pang iba. dahil don ang daming manliligaw nya, madaming may gusto sa kanya, ibig sabihin madami me kalaban hehehe. minsan nga dahil sa pressure para lang makapagsabayan sa mga kalaban ko sa pagmamahal nya naiisip ko na sumuko na lng. mahirap din kasi lalo na kapag ang kalaban mo ay may kotse, pera, bahay at lupa. ako? ang kaya ko lang naman ibigay sa kanya ay magandang lahi. joke joke joke hahaha.
Saturday, February 25, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment